Sunday, December 04, 2005

ang pagmumujer

Did you know, according to this PRO-GAY guy who talked in our Anthro 182 class, Dec 8 is the international day of lesbians, or as Castell and Sheena like to call it, Dyke Day. La lang. Happy D-Day to all of you out there. :D

Last week was probably--nay, actually--the best week I've had since the semester started. Wahaha. Hay. I'm sorry. Ang kati ba masyado? :) And to think "lost cause" naman talaga tong ipinagmumujer ko. hahaha. owel. tama na at baka mapahamak pa ko sa pinaggagagawa ko. Deh. Tsaka kasi this week din kami nagpuntang ilog nina Ate Shaps, Sheena at Castell, at ang saya nun. Kahit pa ba kay baho ng river taxi. Ok na rin.

Pero masaya naman talaga so far ang buhay ko ngayong sem. Kasi may bagong apps na sa PMS, at magkakaron na rin sa VE soon enough. Mukha ngang may ilan-ilan ding upis 03 na sasali sa VE. Yey. Ayon. Sa totoo lang, excited na talaga ko sa buhay ve ko ngayon kasi trainee na ko. At wala na kong utang. Bayad na lang sa shirt. hehe. Tsaka may raket sa december at next year na mukhang masaya kaya go lang ng go.

Ang PMS, naghahanda para sa cs carolfest for next week. Ayun naman, medyo nag-i-improve naman kahit papano. Jusko. Abutin na ang kailangang abutin. Haha. Lecheng Payapang Daigdig yan. Ginugulo ang tahimik ng buong pms kapag practice. Hell ang next weekend namin kasi friday night ang carolfest, tapos may raket kami sa sabado (7am ang call time sa Quirino grandstand) at nasa Bataan naman sa linggo. hala. Artista eto. Nagto-tour! Hay. Pero kaka-stress isipin. Pero kung matuloy naman at maging maayos lahat, masaya rin naman to para sa pms. May 2 caroling nights pa na kasunod yan, at alumni dinner (which reminds me...). Hay. Andami. Isama mo pa dyan yung messiah thing ng ve. boo. wish ko lang nakakapayat ang ganitong ka-hectic na skeydyul. :)

Lahat ng stress ay parating pa lang naman, lalo na't tatlong malaking research papers sa magkakaibang subjects ang kinakaharap ko this sem. Di pa naman 'to nagsisimula so medyo relaxed pa rin ang state ko ngayon. Tama ba yun?Maybe I really have some serious problems on my hands (some are clearly my fault), but maybe I'll deal with them when I have to. :) For the moment, susubukan ko munang ienjoy ang december.

Monday, October 24, 2005

crs results

Eto na ang mga nakuha ko sa crs:

Philo 171 W 10a-1p
Psych 155 MTh 830a-10a
Psych 118 MTh 1p-530p
Socio 101 TF 830a-10a
PE 2 Bridge TF 12nn-1p (si Caces ang teacher)
Anthro 182 TF 4p-530p

In fairness, 17 units din plus pe ang nabigay ng crs sa akin ngayon. Salamat na rin. 3 units na lang kulang ko, psych 140/145 or mst or free elective na naman. Wow. Natatakot na ko sa sem ko. At kamusta naman ang breaks. haha. 20 units... sana makaya. Feeling ko kung anu-anong elective na lang ang makukuha ko. Anthro 182? Bale, mukhang ok rin naman... kakabanas lang na 4-530 yung klase. Buti pala di ko nakuha yung isang Kas elective. hehe. So may 12 units pa ata akong free electives na natitira after this sem. BA 101(?), BA103/104(?), Psych 194 (tama ba? yung industrial psych. definitely kukunin ko to), some other anthro/socio course. Pwede na rin. Owel. Bahala na.




Friday, October 21, 2005

oh no she didn't

Hmm. wala lang. Pinalitan ko ang title ng blog ko. It doesn't even make any sense. But I like it. :D Speaking of my favorite lines from Eating Out... Fag! You're it!

Thursday, October 20, 2005

ok. wala na talaga akong magawa.

Isa sa mga linyang pinaka-tumatak sa isip ko:

If God intended for man and woman to be together, He would have given them both penises. --Jack McFarlan, Will and Grace



Adding insult to injury? haha. boohoo. Hay. Kainis, kung anomang buzz yung nakuha ko, like, a month ago, ay sobrang wala na ngayon. Ang boring neto.

Wednesday, October 19, 2005

seven things



7 things I plan to do before I die:
1) maka-graduate at makapagtrabaho
2) be able to really help my family (financially or whatever)
3) maging independent na talaga
4) self-actualize? :)
5) makapasyal sa maraming lugar
6) makatulong in a big way sa mga to: UPPMS, UPVE, UPIS, at iba bang nakaraan ko. hehe
7) well, marry and start my own family

7 things I can do:
1) sing
2) dance :P
3) manood ng tv buong araw
4) magluto. slight lang naman
5) kumain ng pringles all by myself
6) mang-ungkat ng tsismis
7) tumambay sa pms buong araw

7 things I cannot do:
1) swim
2) whistle
3) snap my fingers
4) bunjee. takot sa hieghts e
5) magpeke ng iyak. haha. wala lang
6) live without PMS
7) meet deadlines. i just can't seem to.

7 things that attract me to the opposite sex
1) hitsura
2) boses (sa pananalita at sa pagkanta na rin)
3) sense of humor
4) kapag may ginagawa siya na magaling talaga siya dun (kung ano man yun)
5) kapag hindi suplado or whiny
6) kaya maki-ride sa mga hiritan, i.e. di pikon
7) kapag masaya kasama/ nagja-jive ang ugali namin
8) yuck ihabol? siguro kapag may depth ang pagkatao niya. i.e. di rin naman ganun ka-shallow. pero sana di rin ganun kalalim. hehe.

7 things that I say most often:
1) ay gaga
2) sorry!
3) tangena/ anakngpota/ putangina (atbpang derivative. i'm sorry. hehe)
4) leche
5) talaga?
6) so much!
7) aray ko!

7 celebrity crushes:
1) Jude Law
2) Ewan Mcgregor
3) Johnny Depp
4)
5)
6)
7)

7 people I want to do this:
ewan e, kahit sino na. hehe. mukhang ako na yung huli-huling sumagot nito e!

sembreak na talaga. :)

Sa wakas! Natapos na rin lahat ng obligasyon ko sa first sem... ang sarap ng feeling sobra. Tanghali na ako gumising kanina tapos wala na talaga akong kahit anong iniintinding gagawin or anything. Ang saya nito. Di ko maalala kung kailan ako huling naging ganto. :)

As usual, ang mindset ko na naman ngayon ay makabawi next sem sa acads, sa pms, sa lahat practically ng inaatupag ko sa buhay. Kasi syempre tuwing end ng sem ko talaga nararamdaman yung mga naging pagkukulang ko sa nakaraang sem. Kainis. Pero mukhang parte na ng buhay estudyante ko to. Hmm. Kirei lang din. At least makakasimula ako this year ng second sem na may pagka (over)eager sa lahat ng gagawin ko... hopefully tatagal buong sem ang magandang attitude at pseudo kasipagan. Good luck na lang diba? Hay. I'm ranting about my academic life. This is sad.

May prediction ako. haha. By next week sawa na ko sa buhay bum na to. Well, i-eenjoy ko na lang while it lasts. Sa March ko na ulit to mararasan. For the moment, I'll just keep on watching all the Desperate Housewives, CSI, Will and Grace, Mad TV, Jack tv shows, SNL, Veronica Mars, ET, Passion for Dessert and other shows on the Lifestyle Network, Friends, old movies and Pinoy Pop Superstar episodes that I can take. :D

Speaking of Pinoy Pop Superstar (yes, nanonood ako--I know, right?), ang galing nung current champion nila.. si Aicelle ata whoever. Shet. Ang galing talaga niya. Sana manalo na talaga siya sa lahat lahat. Ang ganda ng boses niya. Ang sasaya pa ng mga kinakanta niya. hehe. Ayon lang.

Hay. castell, Sheena- inincomplete na tayo ni Mam Santos asa Anthro 1. Boohoo. At least natapos na natin. yey. :)

Monday, October 17, 2005

boohoo. sembreak?

Di pa tapos ang sem ko! May book report pa kami sa Anthro 1 na hindi pa namin nasisimulan... hanubato. I hate myself. hahaha.

Andito ako sa SC ngayon... nagsasayang ng oras til 1pm kung kailan babalik ako sa PMS tambayan. Magbabakasakali ulit na may tao dun. I miss PMS. hay.

Ang hirap ng walang cellphone. Nung isang araw lang nung nanood kami nina Godsy at Bea ng Corpse Bride sa SM North e muntikan pa kaming di magkita! O diba. May moment pa na nabanas na ko sa sarili ko at sa pangit na sitwasyong kinalugmukan ko. Hinanda ko na ang sarili kong manood ng sine mag-isa. At ning, 1pm pa pala magbubukas ang sine. 10:30 pa lang paikot-ikot na ko sa SM (lecheng mga flyers yan. kainis ang SM, walang basurahan! grr. anyway...). Sa isip isip ko nun, buti na lang pala at 1pm pa yung sine, kasi if ever, magkikita kami sa pasukan ng sinehan... although mga 2 hours pa before mag1pm nun... hmmm. Nagpunta ko ng Natio at naghanap ng babasahin na pampalipas oras. May bukas na Bob Ong, kaso di ko trip. Tapos may bukas na Brusko Pinkies or whatever man na book na yun. Interesting na rin. Matapos basahin ang introduction, nagbakasakali uli ako at bumalik sa Cinderella (kung saan dapat kami magkikita) at salamat naman at nagkita rin kami sa wakas ni Godsy. Yehey. Ayun na yun. haha. Maganda nga pala ang Corpse Bride. I like it. Nakakaaliw.

Nung friday ay nagsemplanning slash 50th meeting kami sa bahay nila ana. uh... ayon. Masaya naman. Hahaha. may posibilidad ba na ma-discover ng nanay ko tong blog kong to? Kasi di na ko nagpapaalam ng lakad lately e... let alone magpaalam pumunta sa laklakan. haha. Walang nalasing or naging wasted, whatever. Si Katt lang. haha. Nakakabitin nga yung gabing yun kasi... a, wala naman kaming napag-usapan masyado about next sem or next year. Hayon. Nagdaldalan at nag-intrigahan lang ang mga tao. ang saya diba.

Nagsi-uwian na ang mga tao sa probinsya... hay. Kaya wala na masyadong kaganapan sa pms ngayon. Boohoo. Kung kailan naman nagbalik ang sigla ko. hahaha. Sana next sem ay maging masaya para sa pms, i.e. gwapong "hot oo" na mga aplikante? mwahahahaha.

Ang grades. eto... masaya na rin ako at mabait si ang guro namin sa Persyan. Bukod sa wala na kaming finals (never kami nag-exam sa class niya) e mataas pa ang binigay niyang grade sa amin ni Katt! yey! At medyo ok rin ang grade ko sa 162. Considering na... ayon. :) At least may pang hila na ko sa ine-expect kong mababang grade sa Bio 11. Hay. Goodbye CS! Wala na kong CS subjects ever! MST na GE na lang. yehey yehey. I hate CS! :D

Saturday, October 08, 2005

Life in plastic, it's fantastic.

Ay di ko pala na blog dati yun no. That sad day when we decided to kill the SB. Anlungkot nun. Anyway, since it's one of the very few things worth looking forward to these days... may mga usap-usapan nang i-reinstate ang group. wahahaha. hay. Masaya ko na mangyayari yun. Kahit na ba wala naman talagang masyadong significance yun kung mangyari man. I think. Pero meaningful yun samin na kasapi kasi... nakakapangsisi rin na nag-give in kami dati. Kasi sabi nga ni Mulan, "Why must we all conceal what we think? How we feel?". hehe. Pero di nga. Ayoko nang i-repress ang sarili ko. yehey. ayon lang. Wag sana ikasama ng iba yung totoo naming kulay. We're practically harmless. :)

Regarding the rest of my life, eto, miserable pa rin. Di nga ako nakasama sa picnic e. Boohoo. Naleche na ko. May 2 finals ako sa tuesday. plus papers (I can't wait for this sem to finally close). Tapos bading pa siya! Tapos cold war pa sa bahay ngayon. Wala pa kong cellphone at pera! Tangena naman talaga o. Boohoo talaga. I'm hearing the Voice Within playing in my head...

I'm still with ve. ayun lang. hehe. Excited na ko sa mga gagawin sa december. Hopefully andun pa rin ako by then. Masaya ko dun in fairness. Although, di pa ako nagpapasa ng sigsheet. hehe.


Showing na ang Corpse Bride! Sana matuloy lakad namin nina Godsy, etc. Sobrang gusto ko nang matuloy yun kahit wala pa naman talaga kong pera ngayon. hehe.