Saturday, October 09, 2004

ang saya naman ng last day ng sem ko

hahaha. weird pala nung araw kahapon. nagsimula naman ng normal. gumising ako nang maaga para ayusin yung 108 paper namin, tapos pumasok na sa school. nagpa-print at nagpunta sa tambayan (kasi 12 sumthing na nun di ko pa mapapasa yung paper). tumambay at nakiusiyoso, nakikain at ibinandera ko ang bago kong shades! kasi bumili kami ni ate shaoie the day before (na di na niya pinabayaran sakin kasi regalo na raw niya. aww). pero anyway, astig yung shades na yun, my first pair ever! isusuot ko talaga yun sa picnic. sana lang di umulan!

hmm. kelan nga ba nagsimulang maging weird? after ko mapasa yung paper namin sa dept, kumain kami nina ate shaoie at ana sa jollibee. matagal-tagal din kami dun kasi andaldal namin. lunch yun na umabot nang 4pm. ye. at ang usapan? seks. sa jollibee. hehe. buti walang bata.

umuwi ako nang maaga (na weird din) tapos wala na. nagsimula na akong magpakasasa sa matagal ko nang inaasam na batugan kong buhay pag sembreak! ang saya saya! tv, radyo, computer, tunganga lang ako buong araw.

at kinagabihan nga. ang lindol. hahahaha. mag-isa pa ko sa bahay tangeneng yan! gaya nang marami (gdwn, at castell na kakainom lang daw ng decolgen) akala ko rin nahilo lang ako (kasi tv, computer buong araw.. blah). tas nanginginig na ang comp table namin. multo? labas ako ng bahay.. nanginginig ang gate ng kapitbahay namin. parang may mga umuugong pa na ewan. hmm. lindol.. shet.. takbo ko sa may kalsada e! hahaha. duwagers talaga ko. pagdating ko sa labas tinext ko lahat ng naisipan kong itext. tapos dapat kakatukin ko yung mga kapitbahay namin (kasi ayoko pang bumalik sa bahay) tapos naisip ko di ko na pala sila kilala. mga bago na kasi e. hay. tas tinawagan ko si ate shaoie sa cel (sa labas pa rin ng bahay kasi la akong signal). yun nakipagchikahan muna ako sa labas. may nakasalubong ako na kapitbahay ata namin, di ko siya kilala. kinausap niya ko in fairness. sabi niya, lumindol ba? hahaha. tinawagan din pala ko ni castell! sun cellular na naman siya kasi free call and text. :P anyway, na-touched din ako dun. awww. yey. may magagandang dulot din pala ang lindol. andami kong tinext. may nakilala pa ako na kapitbahay. parang end of the world. hahaha

hay. yun lang. yun na ata yung pinakamemorable na lindol para saken. yung 1991 kasi bata pa ako. pero mas hysterical ang mga tao dun syempre.

basahin niyo ang blog ni gdwn ukol sa lindol. benta! hehehe

1 Comments:

At 11:48 AM, Anonymous Anonymous said...

hahaha hindi mo nabanggit na lumabas ka pa talaga ng bahay a! sabi mo sa text, mag-isa ka lang. hahaha naiimagine ko tuloy. parang tangek. e sandali lang naman yon diba? o basta. yung link pala sa blog ko, gawin mong link e yung mismong url ng entry kasi matatabunan yan, im sure. di ko kinaya ang paglabas mo ng bahay. ba kung kapitbahay ko naman sina kras at kras2, lalabas na rin siguro ako ng bahay. hahaha. -gdwn

 

Post a Comment

<< Home